TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

Event Schedule

White Minimalist Weekly Schedule Instagram Story 1

 

Alinsunod sa resolusyong inilabas ng Council of Good Local Governance, ang pagpapatupad ng 2021 Seal of Good Local Governance: Pagkilala sa sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ay tuluyan nang sinuspinde bunsod pa rin ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Gayunpaman, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay hindi tumitigil sa paghahasa ng mekanismo sa pagpapatupad ng SGLG bilang paghahanda sa pagpapatuloy ng implementasyon nito sa susunod na taon. Kung kaya’t sa kabila ng pagsuspinde nito, ang Kagawaran ay magsasagawa ng 2021 LGPMS-SGLG Field Testing sa pilîng mga lokal na pamahalaan.

Malugod naming tinanggap ng Lungsod ng San Jose at mga Bayan ng Cabiao at Santa Rosa ang pagkakapili nila upang lumahok at sumailalim sa naturang Field Testing. Bukod sa makatutulong sila sa paghahasa ng mekanismo ng pagpapatupad ng naturang programa, sila ay mapapabilang sa Pilot LGUs na makararanas na matasa gamit ang Sampung (10) Governance Areas sa unang pagkakataon.

Bilang paghahanda rito, ang DILG Nueva Ecija, sa pamamagitan ng kanilang SGLG Focal Team sa pangunguna ni LGOO VI Alfa Krista C. Reyes, ay nagsagawa ng paunang pagpupulong sa mga Opisyal na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal at mga kawani ng tatlong Pilot LGUs ng lalawigan sa pamamagitan ng Zoom Meeting Application noong ika-24 ng Agosto, 2021, sa ganap na ika-isa ng hapon.

Layunin ng pagpupulong na ito na mailahad sa tatlong Pilot LGUs ang inilabas na Patnubay ng Kagawaran ukol sa pagpapatupad ng sinasabing Field Testing. Gayundin, ginamit ng DILG NE SGLG Focal Team ang pagkakataong ito upang muling ma-ipresenta sa mga kalahok ang mga pamantayan o batayan upang mahirang ang isang lokal na pamahalaan bilang SGLG Awardee.

Naging interaktibo ang naturang paunang pagpupulong at nabigyang linaw ang ilang agam-agam ng mga kalahok ukol sa mga dokumento at larawang kailangan nilang maisumite sa takdang panahon.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng ‘Panrehiyong Oryentasyon Ukol sa Pagpapatupad ng 2021 LGPMS-SGLG Field Testing’ ang Kagawaran sa katapusan ng buwan ng Agosto 2021 para sa lahat ng lokal na pamahalaan at mga Opisyal na Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal ng Gitnang Luzon.

Provincial Director's Message

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

ZZ05

 

Links

Log-in Form

Follow Us On