TSLogo

 

NuevaEcija

LGSF Utilization Status

 

 

Naglunsad ng oryentasyon ang Panlalawigang Tanggapan ng DILG Nueva Ecija sa pitong raan at pitumpu’t limang (775) barangay na kabilang sa Manila Bay Area noong ika-27 ng Setyembre 2021 patungkol sa isasagawang 2021 Barangay Environmental Compliance Audit (BECA).

Inilahad sa naturang oryentasyon ang mga nilalaman ng 1987 Philippine Constitution, Republic Act No. 9003 at Supreme Court Mandamus Decision na pawang mga legal na mga basehan sa pagpapatupad ng 2021 BECA. Inisa-isa rin ang mga pamantayan upang matasa ang naging antas ng pagsunod ng mga barangay noong nakaraang taon.

Isang barangay sa bawat bayan at lungsod, maliban sa Nampicuan at Cuyapo, ang hihirangin na City/ Municipal Best Performing Barangays na sila namang ilalahok sa Panlalawigang Pagtatasa. Ang pinakamahusay na barangay sa lalawigan na idedeklarang Provincial Best Performing Barangay ay magiging kandidato naman para sa Regional Best Performing Barangay.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay Officials sa buong lalawigan na pinangunahan ng kani-kanilang Punong Barangay sa ilalim ng gabay ng mga Opisyal na Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal.

Ang mga kawani ng DILG Nueva Ecija na nag-orient sa mga kalahok ay binubuo nina LGOO III Vivorey S. Lapitan, LGOO II Ma. Christina P. Casares at ADAS II Lyka P. Dimalanta. Sina LGOO III Leovielyn H. Aduna at LGOO III Vivorey S. Lapitan ang nag-host sa programa.

Si LGOO II Ma. Christina P. Casares ang tumalakay ng Regional Memorandum Circular No-009 Guideliness in the implementation of the Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) within tha Manila Bay Watershed. Si LGOO III Vivorey S. Lapitan naman ang tumalakay ng Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Seven Indicators. Sa huling bahagi ng programa, tinalakay ni ADAS II Lyka P. Dimalanta ang Data Capture Form (DCF), Order and format for BECA Submission at BECA Timeline.

Ang lahat ng mga katanungan at concerns ng mga kalahok ay maayos na nasagot ng mga Manila Bay Focal Persons.

Log-in Form

Follow Us On