Mga Bagong Solar Streetlights Patuloy Na Magbibigay Liwanag at Seguridad sa Bayan ng Guiguinto
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 58
Ika-14 ng Agosto, 2024, opisyal na pinasinayaan ang 18 Solar Streetlights na magbibigay liwanag sa mga kalsada ng Barangay Tiaong sa bayan ng Guiguinto. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso.
Pinangunahan ni Congressman Ambrosio Cruz, Jr. ng ika-limang distrito, Punongbayan Agatha Paula A. Cruz, at Pangalawang Punongbayan Banjo S. Estrella ng Guiguinto, gayon din ang iba pang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, ang seremonya. Kasama rin ang mga pinuno ng DILG, Assistant Regional Director Jay Timbreza, Provincial Director Myrvi Fabia, at MLGOO Carla Marie Alipio sa pagpapasinaya ng nasabing proyekto.
Ang Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ay insentibo na ibinibigay sa mga local government units (LGUs) na nakapasa sa mga pamantayan ng SGLG. Ang mga pondo mula sa SGLGIF ay maaring gamitin para sa iba’t ibang proyekto at programa na magpapabuti sa serbisyo publiko at pagpapaunlad ng kanilang komunidad.