TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pagtutulungan ng DILG Bulacan at League of Municipalities (LMP) - Bulacan Chapter ay matagumpay na isinagawa ang pagsasanay ukol sa pagbabalangkas ng Gender and Development (GAD) Plan at Budget para sa mga GAD Focal Point System (GFPS) ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan simula ika-6 hanggang ika-7 ng Marso, 2025.

Kabilang sa mga nagbigay ng teknikal na gabay ukol sa naturang paksa ay ang mga kawani ng DILG Bulacan at GAD Resource Pool members ng Philippine Commission on Women (PCW) na sina Cluster Head, LGOO VII Lydia Baltazar at MLGOO ng Norzagaray, LGOO VI Maria Christine De Leon.

Layunin ng aktibidad na ito na matulungan ang mga pamahalaang lokal na matukoy ang mga programa at proyekto na may kinalaman sa GAD. Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng planong ito ay masisiguro na higit na mapapakinabangan ang limang (5) prosyentong alokasyon sa kabuuang pondo ng bawat LGU upang matiyak ang gender equality at matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan anuman ang kanilang kasarian.

Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng LAKAS, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA, ang opisyal na Sub-LGRRC ng Bulacan — at bilang pakikiisa ng Tanggapan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video