TSLogo

 

 

facebook page

 

TINGNAN | Sa patuloy na hangarin ng DILG Bulacan sa pagbibigay ng suporta at gabay sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan, isinagawa ngayong araw, ika-08 ng Agosto, 2023 ang Panlalawigang Oryentasyon sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) 2023. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, at dinaluhan ng mga Punong Barangay at iba pang mga Opisyal sa Barangay mula sa apat (4) na lungsod at dalawampung (20) bayan. Sa kabila ng malaking gampanin ng mga lingkod bayan, ang oryentasyong ito ay nagsilbing kasangkapan upang magabayan at mabigyan sila ng malalim na pananaw at kaalaman patungkol sa kanilang dedikasyon sa pagtalima sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili sa kalinisan ng bawat barangay.

Idinaos ngayong ika-7 ng Agosto, 2023, ang ika-pitong (7) Panlalawigang Pagpupulong kasama ang mga Pampook na Tagapagpakilos ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, pati ang mga iba pang kawani ng Kagawaran. Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing daan upang talakayin ang mga nagtapos at kasalukuyang isinasagawang mga programa at proyekto ng Kagawaran na nakatakda para sa mga susunod na araw ng buwan ng Agosto.

NGAYON | Binisita ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operation Center upang tingnan at kamustahin ang kalagayan ng mga Bulakenyo sa mga lungsod at bayan na apektado sa pinsalang hatid ng nakaraang bagyong Egay at Habagat. Kasabay nito ay tiniyak din ang mga paghahanda na isinasagawa ng mga pamahaalang lokal ng lalawigan sa kasalukuyang banta ng bagyong Falcon at patuloy nitong paghatak sa Habagat na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.

 


Featured Video