TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Opisyal na inilunsad ngayong ika-19 ng Agosto, taong kasalukuyan, ang Paleng-QR sa Bayan ng Santa Maria. Ang pagpapatupad ng programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Pinangunahan ang naturang aktibidad nina Punong Bayan Bartolome Ramos katuwang si Market Master Elvis Luciano mula sa BSP. Sa kabilang banda ay nakiisa sa gawain sina LGOO VI Dante Boac at LGOO VI Jayfie Nasarro mula sa DILG Bulacan, at mga kinatawan mula sa DTI, TODA at mga nagtitinda sa merkado.


Layunin ng programang ito na isulong ang pagtanggap ng digital na pamamaraan ng pagbabayad sa mga palengke at pampublikong sasakyan upang mas mapabilis ang transaksyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili.

 

Bilang pagtalima sa EO No. 170, Series of 2022 at IRR, COA Circular No. 2021-014, at SONA Directive No. PBBM-2023-041, pinangunahan ngayong ika-16 ng Agosto, 2024 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at sa pakikipagtulungan sa Bangko sa Lupa ng Pilipinas (LBP) ang oryentasyon ukol sa paunang implementasyon ng digitalisasyon para sa government disbursements sa pamamagitan ng Government Servicing Bank’s (GSB) Digital Banking Facility ng LBP.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pangalawang Kalihim Felicito Valmocina ng Ugnayang Pambarangay. Samantala, ang mga dumalo naman na barangay mula sa lalawigan ay ang Brgy. Pinaod, San Ildefonso at Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad.


Layunin ng aktibidad na ito na mas mapabilis ang sistema ng pangpinansyal na transakyon ng pamahalaan upang mas mapaunlad ang mga barangay at makapagbigay ng mas mataas na kalidad ng serbisyong publiko.

 

Nakiisa ang DILG Bulacan sa pagdiriwang ng ika-446 na Guning Taong Pagkakatatag ng Lalawigan ng Bulacan, ngayong ika-15 ng Agosto, 2024. Sa naturang aktibidad ay inilunsad ang “Bulacan at 450” na may temang: “Bulacan: Duyan ng Kasaysayan, Yaman ng Kinabukasan” sa Lungsod ng Malolos. Kasabay nito, isinagawa rin ang paghawi ng tabing ng Panandang Kasaysayan ng “Asociación Filantrópica de los Damas de la Cruz Roja en Filipinas”.

 


Featured Video