TSLogo

 

 

facebook page

 

???????????????? ???????????????????????????????????? ???????????????????????????????????? ???????????? ???????????????????????? ???????????????????????? ???????????????????????????????????? ????. ????????????????????????????, ????????., ???????????????????????????????? ???????????? ???????????????????????????????????? ???????? ????????????????????????????
Dumalo si Asec. Florendo M. Bernabe, Jr. sa lingguhang pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, ngayong ika-4 ng Marso 2024 na ginanap sa Provincial Capitol Gym, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina DILG Assistant Regional Director Jay Timbreza, Division Chief Lerrie Hernandez, LGOO V Nathan Moral at si DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia. Sa kanyang mensahe, binati ni Asec. Bernabe ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagkakamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng pitong beses at nagbigay ng hamon sa Pamahalaang Panlalawigan na kamtan muli ang SGLG ngayong taon sa ika-walong pagkakataon. Ibinida din ni Asec. Bernabe ang mga pagsisikap na ginagawa ng Kagawaran sa pagtuligsa laban sa ilegal na droga. Hinakayat din nya ang bawat isa na makilahok sa laban kontra ilegal na droga. Nagkaroon din nang pagbabasbas ng mga bagong kagamitan at PPEs ng Provincial Disaster risk Reduction and Management Office.

Ang aktibidad ay sinundan nang pagpupulong na pinangunahan ni Asec Bernabe. Dinaluhan ito ni Executive Assistant Atty. Nikki Coronel, mga Panlalawigang Pinuno at ni PNP Provincial Director PCOL Relly Arnedo. Tinalakay ang mga isyu at alalahanin ng lalawigan ng Bulacan patungkol sa pagpugsa sa ilegal ng droga. Nagbigay din ng paalala si Asec Bernabe patungkol sa Executive Order No. 04 series of 2016 na nagtatakda sa bawat LGUs na magtatag ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers.

 


Featured Video