TSLogo

 

 

facebook page

 

Ngayong araw, pinangunahan ng pangkat ng Locally-Funded Projects (LFP), mula sa DILG Bulacan, ang pagsubaybay at pagsagawa ng dokumentasyon sa proyektong nakasailalim sa FY 2021 Financial Assistance to Local Government Unit (FALGU) sa Barangay Sta. Rosa II at Brgy. Prenza I, Marilao.

Ibinahagi ng mga benepisyaryo ang ginhawa at kaligtasang kanilang naramdaman matapos maisagawa ang proyektong kalsada sa kanilang mga barangay. Bukod pa rito, malaking tulong rin ito para sa paghahanapbuhay ng mga namamasada dahil mas dumami ang kanilang mga pasahero at naiiwasan na ang insidente ng gitgitan ng mga sasakyan.


Bukod sa isinagawang pagsubaybay, natalakay rin sa naturang aktibidad ang mga rekomendasyon kay Punong Bayan Henry Lutao at sa Pambayang Inhinyero ng Marilao na si Engr. Magtanggol San Miguel. Kabilang sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ay si Pook na Tagapagpakilos Elaine D. Pagdanganan at mga kawani mula sa Municipal Planning Development Office (MPDO) at Municipal Engineering Office (MEO).


Ang FALGU ay programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan katulad ng mga proyektong pang imprastraktura at iba pang mga kagamitang maaaring magamit para sa pagbibigay ng mataas na kalidad nang serbisyong pampubliko.

 


Featured Video