TSLogo

 

 

facebook page

 

SETYEMBRE 22, 2023 | Sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando, ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang pinag-isang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Communist Armed Conflict sa lalawigan. Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan rin nina Pangalawang Tagapangulo Alex C. Castro, kasama ang ilang pang mga miyebrong pinuno at opisyal ng mga departamento at pamahalaang lokal sa lalawigan.

Sa nasabing pagpupulong ay isa-isang tinalakay ang mga aksyon at hakbangin na isinasagawa ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan mula sa mga siyudad at bayan hanggang sa mga barangay. Bilang paghahanda ng lalawigan para sa paparating na BSKE Election, tinalakay naman ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang talatakdaan ng mga aktibidad para sa eleksyon. Kabilang sa mga mahahalagang impormasyon at datos na naipresenta sa pagpupulong ay:


(1) Ang kabuuang bilang ng mga botante sa lalawigan ay 2,092,149, kung saan;
(2) 659,032 sa mga ito ay mga botante para sa Sangguniang Kabataan;
(3) 572 ang kabuuang bilang ng mga barangays;
(4) 566 na pang kabuuang voting centers;
(5) 13,059 na bilang ng established precincts;
(6) 5,850 na bilang ng clustered precincts;
(7) 17,550 na bilang ng Electoral Boards; at
(8) 1,734 na bilang ng Board of Canvassers.
Sa kabilang banda naman, tinatayang nasa 25,430 kandidato ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) sa buong lalawigan.
Bukod sa BSK Election ay magaganap rin ang plebisito para sa pagiging Highly Urbanized City (HUC) ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Napag-usapan rin ang mga tiyak na tungkuling gagampanan ng mga ahensya upang magkaroon ng malinaw na gabay ang bawat isa at maitaguyod ang maayos at payapang pagdaraos ng BSKE Elections.


Mula naman sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot PCOL Relly Arnedo ay naipresenta ang pangkalahatang sitwasyon ng lalawigan sa usaping kaayusan at kapayapaan. Nagbahagi naman ang PDEA ng mga datos ukol sa mga barangay na nagdeklara bilang drug-free community at pati na rin ang bilang ng mga barangay na sa kasalukuyan ay apektado pa rin sa ilegal na droga. Dagdag pa rito, naipresenta sa mga miyembro ng komite ang mga operasyon at aktibidad na isinasagawa ng Hukbong Katihan (AFP) na naglalayong mapigilan ang paglaganap ng insurhensiya at mapanatili ang kaligtasan ng mga bulakenyo lalo na sa mga kinabibilangan ng mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).


Sa pangunguna naman ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ay nagkaroon ng komprehensibong talakayan patungkol sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 39 ukol sa pagtatalaga ng price ceiling sa pagbebenta ng bigas.


Sa huli, nagbahagi ng mensahe si Tagapangulo Daniel R. Fernando kung saan ay hinimok niya ang bawat isa na mas paigtingin ang pagpapairal ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan lalo na sa paparating na halalan. Kaniya ring binigyang diin ang kahalagahan ng programa ng Kagawaran na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA), lalo na sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Aniya ay patuloy rin ang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga ahensya at pamahalaang lokal para patuloy na isulong at isagawa ang mga adbokasiya at programa ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

 


Featured Video