Muling tumanggap ng pagkilala ang DILG Bulacan sa ginanap na Regional Management Conference (RMC) ng DILG Central Luzon ngayong ika-28 ng Nobyembre, taong kasalukuyan. Ang mga pagkilalang natanggap ng Tanggapan ay:
• 1st Place - Monitoring and Evaluation Division Compliance Monitoring System (MEDCOMS)
• 1st Place - Cluster 1 MEDCOMS Cluster Category
• 2nd Place MEDCOMS Cluster Category
• 1st Place - Capacity Development Division Performance Evaluation Management System (CDD-PEAKS)
• Outstanding Performance with 94% Compliance and 2nd Place FAD Charms (Accoungting Category)
Ang mga pagkilala na ito ay aming malugod na ibinabahagi sa tulong at pakikiisa ng ating mga pamahalaang lokal, mga katuwang na ahensya at organisasyon tungo sa mahusay na pagganap ng DILG Bulacan sa pagtalima ng mga ulat ng ating Kagawaran. Tayo ay mananatiling matino, mahusay, at maasahang kawani ng Departamento hanggang dulo.