TSLogo

 

 

facebook page

 

Ginanap ngayong araw sa pangunguna ng DILG Bulacan ang reoryentasyon at konsultasyon kaugnay ng Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD). Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sektor ng mga kabataan at mag-aaral, mga manggagawa, mga kababaihan at urban poor ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Lungsod ng Malolos, Pandi at Plaridel.

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU):


- Purchase of Vehicle - Ambulance sa bayan ng San Ildefonso (FY 2023 FALGU) - nagkakahalaga ng Php 2,500,000.00; at
- Purchase of Vehicle - Ambulance sa bayan ng Balagtas (FY 2024 FALGU) - nagkakahalaga ng Php 1,700,000.00


Inaasahan na sa pamamagitan ng proyektong ito ay makakapagbigay ng agarang tulong medikal sa mga aksidente, mga biktima ng kalamidad, gayon din sa mga kritikal na karamdaman ng mga mamamayan ng mga nasabing bayan.

 

Opisyal na inilunsad ngayong ika-19 ng Agosto, taong kasalukuyan, ang Paleng-QR sa Bayan ng Santa Maria. Ang pagpapatupad ng programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video