Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagsusuri sa Lungsod ng Malolos para sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng FY 2023Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) na nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00 kada proyekto:
- Construction of Farm-to-Market Road in Barangay Dakila; at
- Construction of Farm-to-Market Road in Barangay Bungahan
Ang proyektong ito ay naglalayong mapadali at gawing mas ligtas ang transportasyon ng mga tao at produkto, na magpapalakas sa ekonomiya ng Malolos at magbibigay ng mas maginhawa at mas maayos na kabuhayan para sa mga residente.