Sa nalalapit na pagtatapos ng taon, isinagawa ng DILG Bulacan ang ika-11 DILG KONEK: Provincial Team Conference ngayong ika-20 ng Nobyembre, 2024 sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan, Lungsod ng Malolos.
Kasabay ng nasabing pagpupulong ay ang pagsagot ng mga Pook na Tagapagpakilos sa panukatan na naglalayong suriin ang impact ng interbensyon na isinagawa ng Tanggapan kaugnay ng nagdaang implementasyon ng mga Barangay Newly-Elected Officials (BNEO) Program sa mga barangay. Ang aktibidad na ito ay magbibigay daan din upang mas mapalawig pa ang mga inisyatibang ginagawa ng DILG Bulacan sa patuloy ng pagpapalakas sa kapasidad ng mga lokal na opisyal na lalawigan.