
TINGNAN | Alinsunod sa pambansang layunin na patuloy na palakasin ang kahandaan ng bawat komunidad laban sa mga iba’t-ibang uri ng sakuna katulad ng lindol, aktibong nakilahok ngayong araw, ika-13 ng Marso, 2025 ang DILG Bulacan para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang aktibidad na ito ay isinasagawa sa bawat sangkapat ng taon upang paalalahanin ang lahat na maging LISTO upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino.