TSLogo

 

 

facebook page

 


JANUARY 24, 2024 | DILG Bulacan spearheaded the Provincial Roll-Out for Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2023. The said activity was a success, propelled by the Department’s goal to help the cities and municipalities in the province prepare the documentary requirements for the upcoming CFLGA Audit this year.

More than the documentation, DILG Bulacan highlighted that achievement does not only rely on the number of passers; what also matters is the difference and the impact of every program that the Local Government Units (LGUs) implement in order to prioritize the well-being, safety, and development of children. Present in the said orientation are the members of Inter-Agency Monitoring Taskforce (IMTF), P/C/MHOs, P/C/MSWDOs, CSO representatives and other officers from LGUs.

DILG Bulacan conducts this activity not just as a social responsibility but also as an investment for the future generation, as promoting child-friendly communities in the Province is a multi-faceted endeavor that requires collaboration from different sectors of the society.

The said orientation is conducted under LINANG, one of the facilities of ALAGWA Bulacan, the official Sub-LGRRC of the province.


Sa pinag-isang layunin ng DILG Rehiyon III, Bulacan State University (BSU), Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot (PDEA), Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan (PHO), at DILG Bulacan na paigtingin ang laban kontra ilegal na droga, nang ika-22 ng Enero, 2024, ay matagumpay na ginanap ang Buhay Ingatan, Droga Ay Ayawan (BIDA) Symposium sa mga mag-aaral mula sa laboratory high school ng BSU.

Sa naturang aktibidad ay nagbahagi ng kaalaman ang mga ahensya ng Pamahalaan ukol sa BIDA program ng pamahalaan. Bukod sa pagpapalaganap ng nasabing adbokasiya sa mga pamahalaang lokal, ang BIDA Symposium ay isa sa mga hakbangin na isinasagawa ng Kagawaran sa mga paaralan at unibersidad upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga kabataan ukol sa pagsugpo ng ilegal na droga.

Ang Bulacan State University ay ang ika-7 unibersidad sa rehiyon na ginanapan ng BIDA Symposium ng DILG Rehiyon III at nakatakda rin itong isagawa sa iba pang mga unibersidad sa Gitnang Luzon.

Ang aktibidad na ito ay sa ilalim ng Wahi, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na Sub-LGRRC ng lalawigan.

 

LUNGSOD NG MALOLOS | Pinangunahan ngayong araw, ika-23 ng Enero, 2024, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paggunita sa ika-125 taong anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

Kabilang sa mga dumalo sa makasaysayang pagdiriwang na ito ay sina Punong Lalawigan Daniel Fernando, Pangulo ng Senado Juan Miguel Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Kalihim Tagapagpaganap Lucas Bersamin, Tagapangulo ng NHCP Emmanuel F. Calairo, Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Hen. Romeo S. Brawner, Jr., Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro, Punong Lungsod Christian D. Natividad, mga kongresista at mga opisyal ng lalawigan ng Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video