TSLogo

 

 

facebook page

 


Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng malinis na kapaligiran sa bawat lokal na pamahalaan, nagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte at DILG sa iginanap na Kalinisan Day National Showcase Barangay sa Brgy. Muzon South, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ngayong araw, ika-20 ng Abril, 2024.
Maliban sa sabayang paglilinis, itinampok din ang iba’t ibang programa ng CSJDM na nagpapakita nang buong suporta sa pagpapalakas ng Kalinisan Program. Ibinida nina Mayor Arturo Robes at Cong. Rida Robes ang Proper Gardening gamit ang Recycled Materials, Palit Basura, at Aling Tindera Program na mga karagdagang tugon ng lungsod sa pagpapanatili ng malinis at maayos na pamayanan.

Inilunsad din ng CSJDM ang BASURA NO WAY Program na naglalayong matiyak ang kalinisan ng bawat bahay, opisina, at mga establisyemento para sa isang kaaya-ayang kapaligiran.

Pinangunahan naman ni Usec. Felicito Valmocina, DILG Undersecretary for Barangay Affairs, ang pagdalo sa mga programa ng DILG gaya ng Kalinisan, HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay), BUKAL (Buhayin ang Kalikasan), Road Clearing, at ibang programang pangkapaligiran, kasama ang DILG Rehiyon III, sa pangunguna ni RD Atty. Anthony Nuyda, PD Myrvi Fabia CESO V, mga kasama sa BJMP, BFP, PNP, CSOS, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga mamamayan ng barangay Muzon South.


ika-19 ng Abril, 2024 - Sa pangunguna ng DILG Bulacan, isinagawa ang kalibrasyon ng mga estado at datos upang matiyak na ang mga dokumento at impormasyon ay tugma kaugnay sa implementasyon ng Locally Funded Projects sa lalawigan.
Ibinahagi sa aktibidad ang tamang proseso ng pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU); Katayuan ng mga proyekto sa ilalim ng LGSF; Kalendaryo ng pagsusumite ng mga ulat; Kalibrasyon ng mga naisumite at kinakailangan dokumento; Resulta ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessment; Estado ng pag-eenroll ng mga proyekto sa subaybayan portal sa ilalim ng FY 2024 Results-Based Monitoring and Evaluation of LGUs Infrastructure Projects (RLIP); at Estado ng Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP) sa lalawigan ng Bulacan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Kagawaran at ilang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.

 

Muling ininspeksyon ng DILG Bulacan LFP Team ang proyektong "Construction of Health Station in Brgy. San Gabriel" sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP), na may kabuuang halaga na Php 6,606,882.17 at "Construction of Farm-to-Market Road (FMR) in Brgy. Mabolo and Caniogan" na may Php 10,000,000.00 alokasyon mula sa F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), ika-18 ng Abril, 2024, sa lungsod ng Malolos. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsusuri at koordinasyon, inaasahan na ang mga proyekto ay magbibigay ng positibong epekto sa buhay at kaunlaran ng komunidad.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video