- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3356
Pinangunahan nang ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan ng DILG Bulacan ang pagpupulong ng Provincial Management Coordinating Committee upang ipresenta ang magsisilbing panukatan para sa pagpili ng mga mahusay na Peace and Order Council (POC) ng mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang pagbabalangkas ng nasabing panukatan ay ang magsisilbing basehan upang mabigyan ng pagkilala ang mga lokal na POC na nagpamalas ng mataas na antas ng pagganap ng kanilang mga gampanin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayang bulakenyo. Kasabay nito ay ang pagtalakay ng konseho ukol sa aktibidad na isasagawa ngayong buwan na may kaugnayan sa pagbibigay ng oryentasyon sa drug clearing upang mapataas ang bilang ng mga na drug-cleared barangays ng lalawigan.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3342
Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspekyon sa proyektong “Fabrication and Installation of Streetlights” sa barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuung halaga na Php 1,800,000.00 milyong piso.
Layunin ng proyektong ito na maging maliwanag at ligtas ang mga daan at lansangan sa bayan ng Guiguinto.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3259
Ang DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia ay dumalo bilang Panauhing Pandangal para sa ika-29 na Police Community Relations Month Celebration na may temang, “Ligtas Ka Sa Bagong Pilipinas” ngayong unang araw ng Hulyo.