TSLogo

 

 

facebook page

 

Ika-10 ng Agosto, 2023, idinaos ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang isang Oryentasyon ukol sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) alinsunod sa inilathalang Memorandum Sirkular Blg. 2023-103. Kabilang sa mga paksa na tinalakay sa aktibidad na ito ay patungkol sa pangkalahatang alituntunin, talatakdaan ng pagtatasa at komprehensibong diskusyon patungkol sa mga assessment areas (core at essential governance areas) na sakop ng SGLGB. Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad na ito ay ang mga Punong Barangay, mga Kalihim, Ingat-Yaman, mga miyembro ng Sanggunian at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng lalawigan.

TINGNAN | Sa patuloy na hangarin ng DILG Bulacan sa pagbibigay ng suporta at gabay sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan, isinagawa ngayong araw, ika-08 ng Agosto, 2023 ang Panlalawigang Oryentasyon sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) 2023. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, at dinaluhan ng mga Punong Barangay at iba pang mga Opisyal sa Barangay mula sa apat (4) na lungsod at dalawampung (20) bayan. Sa kabila ng malaking gampanin ng mga lingkod bayan, ang oryentasyong ito ay nagsilbing kasangkapan upang magabayan at mabigyan sila ng malalim na pananaw at kaalaman patungkol sa kanilang dedikasyon sa pagtalima sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili sa kalinisan ng bawat barangay.

Idinaos ngayong ika-7 ng Agosto, 2023, ang ika-pitong (7) Panlalawigang Pagpupulong kasama ang mga Pampook na Tagapagpakilos ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, pati ang mga iba pang kawani ng Kagawaran. Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing daan upang talakayin ang mga nagtapos at kasalukuyang isinasagawang mga programa at proyekto ng Kagawaran na nakatakda para sa mga susunod na araw ng buwan ng Agosto.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video