TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran, matagumpay na idinaos ngayong araw ang Panlalawigang Pagpupulong ng DILG Bulacan sa Lungsod ng Meycauayan. Tampok sa pagpupulong na ito ay ang diskusyon ni Abgdo. Chairmain Jacqueline Paulino, Regional Legal Officer ng Panrehiyong Tanggapan ng Kagawaran ukol sa mga legal na batayan at mga ipinagbabawal na gawain para sa paparating na halalan kabilang na rin ang mga legal na opinyon na may kaugnayan sa Kagawaran.

BASAHIN | Kaugnay ng Republic Act No. 11032 o kilala bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018”, isinagawa simula ika-18 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2023, ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagtatasa para sa Ease of Doing Business (EODB) sa mga lungsod ng lalawigan.

Sa patuloy na pagsisikap ng pambansang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, partikular na sa aspektong pangkalusugan, sa pangunguna ni First Lady, Abgdo. Maria Louise “Liza” Araneta Marcos ay matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-19 ng Setyembre, 2023, ang Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat, sa bayan ng San Rafael. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan nina Pangalawang Punong Lalawigan Alex C. Castro, Pangalawang Punong Lalawigan ng Pampanga Lilia G. Pineda, Punong Lungsod ng San Rafael Mark Cholo Violago, Kalihim ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) Suharto Mangudadatu, Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) Prospero E. De Vera III, Congresswoman Lorna Silverio, kasama ang iba pang mga opisyal at lingkod bayan ng lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video