![](/bulacan/images/_BULACAN_FILES/BALAY-SILANGAN2.jpg)
Pebrero 7, 2025 | Pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan, sa pakikipagtulungan ng PDEA at DOH Region 3, ang isang Panlalawigang Oryentasyon ukol sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at Balay Silangan.
Ang CBDRP ay programa ng pamahalaan na naglalayong matugunan ang suliranin ng mga LGUs sa illegal na droga. Ito ay nagsisilbing daan upang matulungan ang mga drug surrenderers na sumailalim sa rehabilitasyon at reintegration programs. Ang inisyatibong ito ng Tanggapan ay naglalayon na pataasin ang antas ng kaalaman at paigtingin ang implementasyon ng mga pamahalaang lokal ukol sa mga naturang programa, kabilang na rin ang mga hakbangin sa pagtatag ng Balay Silangan ng mga lungsod at bayan.
Dumalo sa naturang oryentasyon ay ang mga kawani mula sa mga panlungsod at pambayang tanggapan ng DILG, PNP, MSWDO, LHO at ADAC.