TSLogo

 

 

facebook page

 

Pinangunahan nang ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan ng DILG Bulacan ang pagpupulong ng Provincial Management Coordinating Committee upang ipresenta ang magsisilbing panukatan para sa pagpili ng mga mahusay na Peace and Order Council (POC) ng mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang pagbabalangkas ng nasabing panukatan ay ang magsisilbing basehan upang mabigyan ng pagkilala ang mga lokal na POC na nagpamalas ng mataas na antas ng pagganap ng kanilang mga gampanin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayang bulakenyo. Kasabay nito ay ang pagtalakay ng konseho ukol sa aktibidad na isasagawa ngayong buwan na may kaugnayan sa pagbibigay ng oryentasyon sa drug clearing upang mapataas ang bilang ng mga na drug-cleared barangays ng lalawigan.


Ang mga dumalo at nakiisa sa naturang gawain mula ay mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Yeshua Change Agent Association, Inc bilang isang Civil Society Organization (CSO).

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video