Alinsunod sa Memorandum Sirkular 2023-133 na nilagdaan ni Kalihim ng Kagawaran, Abgdo. Benhur Abalos, Jr. ukol sa Barangay at Kalinisan Day or BarKaDa, nagkaroon ngayong araw, ika-16 ng Setyembre, 2023, ng isang malawakang clean up drive ang mga barangay sa buong bansa.
Ang aktibidad na ito ay nilahukan rin ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran kung saan pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang mga kawani ng DILG Bulacan kasama ang mga kawani mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), City at Bulacan Environmental and Resources Office (C/BENRO), at mga Civil Society Organization (CSOs) ang BARKADA sa Brgy. Tarcan, Baliwag. Nakilahok rin at nagpakita ng suporta sa nasabing aktibidad sina Punong Barangay Ariel Cabingao kasama ang iba pang opisyal ng naturang barangay. Sa pamamagitan ng programa ng BARKADA ay muling nabuhay ang kultura ng bayanihan at nagtulong tulong ang lahat na malinis ang bawat daan, kanal, at estero kabilang na rin ang naging segregasyon sa basura ng mga barangay.
Ang Barangay at Kalinisan Day (BARKADA) ay isang inisyatibo ng Kagawaran na inimplementa sa buong bansa upang mapanatili ang luntian at malinis na kapaligiran sa bawat barangay. Hindi lamang ito nakatuon sa pangangalaga sa ating kapaligiran kung hindi ay layunin din nito na mamulat ang bawat mamamayan hinggil sa kahalagahan ng solid waste management at pagsasagawa ng regular na clean up activity kabilang na rin ang mga baybaying lugar sa ating bansa.