TSLogo

 

 

facebook page

 

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa dalawang mahalagang proyekto na "Construction of Two (2) Storey - Two (2) Classroom Building" sa barangay Saluysoy at Libtong, Lungsod ng Meycauayan. Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may kabuuang pondo na 6,606,882.17 milyong piso kada proyekto.

Sa pamamagitan ng SBDP, patuloy na itinataguyod ang mga proyektong magbibigay ng konkretong solusyon sa mga pangangailangan ng mga komunidad, lalo na sa sektor ng edukasyon. Ang mga ganitong inisyatiba ay mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad at pag-angat ng bawat barangay.

 

Sumailalim sa ehekutibong kurso ng Incident Command System (ICS) ang mga lokal na opisyal ng lalawigan, pinuno ng mga departamento, at mga miyembro ng PDRRMC nang ika-11 ng Hunyo sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang panimula ukol sa ICS, organisasyon at mga pasilidad sa ICS, epektibong pamamahala sa mga planadong pagtitipon at mga insidente at ang mga pangkariwang responsibilidad ng mga ICS practitioners.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video