TSLogo

 

 

facebook page

 


Buong galak na ipinagmamalaki at binabati ng Tanggapan ng DILG Bulacan ang pagkilalang natamo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang Gender and Development (GAD) Local Learning Hub 2024-2027 na iginawad ng Philippine Commission on Women (PCW) noong ika-17 ng Abril, 2024 sa Metro Manila.

Kabilang din sa mga pagkilalang iginawad ng PCW sa Lalawigan ang pagiging GAD LLH 2024-2027 ng mga sumusunod:

1. Province of Bulacan GAD Monitoring and Evaluation Team (GMET)
2. Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo (PGB Scholarship Program)
3. Panlalawigang Komisyon Para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB)

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagpapalakas ng Gender and Development (GAD) sa pamamahala at komunidad. Bilang GAD Local Learning Hub, magsisilbing tanglaw ng Bulacan sa pagpapalaganap ng kaalaman at kasanayan hinggil sa GAD upang mapaunlad ang pagkakapantay-pantay at pagkakaisa sa buong lalawigan. Alagwa Bulacan!

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video