PATULOY NA IMPLEMENTASYON NG FY 2023 LGSF-FALGU, TINUTUKAN!
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 5904

Septyember 14, 2023 - Bilang bahagi ng pagsubaybay ng DILG Bulacan sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng FY 2023 LGSF-FALGU ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan sa Bayan ng Bocaue, Bulacan.
Read more: PATULOY NA IMPLEMENTASYON NG FY 2023 LGSF-FALGU, TINUTUKAN!
MICRO RICE RETAILERS NAKATANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA PAMBANSANG PAMAHALAAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 6107

Kaugnay ng implementasyon sa Executive Order No. 39, s. of 2023, ukol sa pagtatalaga ng price ceiling sa pagbebenta ng bigas, nasa 29 na beripikadong micro rice retailers ang nakatanggap ng 15,000 cash assistance sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program-Economic Relief (SLP-ERS). Ang naturang aktibidad ay bunga ng magkatuwang na pagsisikap ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas (DTI), Kagawaran ng Agrikultura (DA), Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), at Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Local (DILG).
Read more: MICRO RICE RETAILERS NAKATANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA PAMBANSANG PAMAHALAAN
PAGBIBIGAY NG TEKNIKAL NA GABAY KAUGNAY NG PAGBALANGKAS NG MUNICIPAL WATER SUPPLY AND SANITATION MASTER PLAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 6097

Ika-13 ng Setyembre, 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa bayan ng Calumpit. Sa aktibidad na ito ay nagkaroon ng komprehensibong diskusyon patungkol sa pangkabuuang ideya, pangongolekta ng mga datos at mga gagamiting tools para sa Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP).
Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ng tulong at gabay upang mapanatili ang malinis at sapat na suplay ng tubig para sa mga residente ng Calumpit. Ito rin ay naglalayong mas palakasin ang kalidad at epektibidad ng serbisyong publiko sa tubig at sanitasyon ng naturang bayan.