Pagpapalakas ng Kakayahan ng LPMCs, Pinangunahan ng DILG Bulacan
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 2221
Ngayong araw, ika-13 ng Pebrero, 2024, ay ginanap ang birtwal na panlalawigang oryentasyon upang paghandaan ang paparating na F.Y. 2023 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessment.
Sa pangunguna ng DILG Bulacan Locally Funded Project (LFP), tinalakay ang iba’t ibang mga pamantayan sa pagsusuri ng mga dokumento sa nasabing pagtatasa. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng LPMC na nagsusuri nang mga isinasagawang iba't ibang proyekto sa mga lokal na pamahalaan.
Ang LPMC Functionality Assessment ngayong taon ay naglalayong tiyakin ang pagtalima ng bawat LPMCs ng LGUs sa, 1) Pag-organisa ng Komite, 2) Pagdalo sa mga Kasanayan, 3) Pagpaplano, at 4) Pagsasakatuparan at Pag-uulat ng mga aktibidad at pagsubaybay para sa taong 2023.
Ang LPMC ay ang pangunahing sangay ng pagsubaybay at pagsusuri ng Local Development Councils (LDCs) na tumitiyak kung ang mga proyekto ay isinasagawa nang ayon sa plano at alinsunod sa layunin ng mga lokal na pamahalaan.
DILG AT LIGA NG MGA BARANGAY PATULOY NA PALALAKASIN ANG UGNAYAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 2217
Sa unang opisyal na pagpupulong ng Panlalawigang Pederasyon ng Liga ng mga Barangay ay naghatid ng buong suporta sa isa’t-isa ang DILG Bulacan sa pangunguna ni PD Myrvi Fabia at Liga ng mga Barangay (LnB) sa pangunguna ni Bokal Ramil Capistrano, kaugnay ng mga inisyatibong isasagawa ukol sa pagpapalakas ng ugnayan at paghahatid ng mga programang pagpapaunlad sa kapasidad ng mga barangay sa lalawigan.
PAGHAHANDA PARA SA NALALAPIT NA PAGTATASA NG LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVE AWARDS
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1775
Taun-taon, isinasagawa sa mga pamahalaang lokal ng lalawigan ang pagtatasa para sa Lupong Tagapamayapa Incentive Awards o kilala bilang LTIA. Bilang paghahanda para sa nalalapit na pagtatasa ng nasabing programa, nagsagawa ngayong araw, ika-12 ng Pebrero, 2024, ang mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng isang oryentasyon para sa mga Pook na Tagapagpakilos (C/MLGOOs) mula sa mga lungsod at bayan ng lalawigan.
Sa naturang aktibidad ay nagbigay ng komprehensibong diskusyon ang mga kawani ng Kagawaran ukol sa LTIA Information System at ang talatakdaan ng magiging proseso ng pagtatasa para sa kasalukuyang taon. Kasabay nito ay binigyan rin ng kasagutan ang mga pangkaraniwang katanungan ng mga barangay na naipapadala sa mga Pook na Tagapagpakilos ukol dito.
Ang LTIA ay itinatag alinsunod sa Seksyon 406 ng Local Government Code ng 1991 kung saan ay inatasan ang Departamento na magbigay ng pang-ekonomiya at iba pang mga insentibo sa mga Lupon bilang pagkilala para sa kanilang mahusay na pagganap upang makamit ang mga layunin ng Katarungang Pambarangay (KP).
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng “LAKAS”, isa mga mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na Sub-LGRRC ng DILG Bulacan.