PAGPAPAIGTING NG MGA ADBOKASIYA NG KAGAWARAN TEMA NG IKA-LIMANG BUWANANG PAGPUPULONG NG DILG BULACAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 6897
Kasabay ng isinagawang Buwanang Pagpupulong ng DILG Bulacan noong ika-22 ng Mayo, 2023, sa Bayan ng Balagtas, Bulacan ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kawani ng nasabing tanggapan na magkaroon ng konsultasyon at pakikipanayam sa mga Assistant Secretaries ng Kagawaran na sina ASec. Lilian M. De Leon, Assistant Secretary for International Affairs at ASec. Elizabeth N. Lopez De Leon, Assistant Secretary for Community Participation. Layon ng pagbisita ng dalawang opisyal na mas mapalakas ang ugnayan ng Punong Tanggapan sa mga Pampook na Tanggapan nito upang masiguro ang mabilis at epektibong implementasyon ng mga programa, proyekto at gawain ng Departamento sa Lalawigan ng Bulacan.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 7825
Naghatid ng ngiti at saya sa mga residente ng Brgy. Siling Bata, Pandi ngayong ika-19 ng Mayo, 2023 ang inilunsad na Serbisyo Caravan na may temang #PROJECTPAGBANGON. Ang gawaing ito ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) na layong labanan ang banta ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng kamalayan ng mga residente ukol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Pamahalaan. Ilan sa mga serbisyo na nailapit sa mga mamamayan sa pamamagitan ng nasabing gawain ay ang mga sumusunod:
Read more: LIBRENG SERBISYO HATID NG GOBYERNO SA BRGY. SILING BATA, PANDI
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 9427
Noong ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo, 2023 ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang gawain na dinaluhan ng mga kalihim ng mga barangay sa lalawigan.
Read more: PAGPAPALAKAS SA KAKAYAHAN NG MGA KALIHIM NG BARANGAY, TINUTUKAN NG DILG BULACAN