TSLogo

 

 

facebook page

 

Idinaos ang isang pagpupulong sa pagitan ng mga Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at Bulacan Environmental and Natural Resources Office, ngayong araw, Ika-12 ng Enero, 2023 sa Tanggapan ng BENRO, Gusali ng Pamahalaang Panlalawigan, Lungsod ng Malolos, Lalawigan ng Bulacan.

Nilalayon ng nasabing pagpupulong na magkaroon ng isang diskurso hinggil sa ilang mga programang pang-kapaligiran na nangangailangan ng pag-uugnayan ng dalawang tanggapan. Higit pa rito ay upang mas mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng nasabing mga tanggapan na magbibigay daan sa pagpapatibay ng implementasyon ng tinutukoy na mga programa.

Gayundin ay napagkasunduan ang pagsasagawa ng isang panlalawigang oryentasyon at pagpupulong kasama ang mga C/MENRO ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalwigan na layong maging daan sa higit pang pagkakaunawa sa mga programa na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran, gayon na rin ang mga abiso at kalatas na inilathala ng huli.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng Panlalawigan Patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal; Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Pinuno ng BENRO; Abgdo. Julius Victor C. Degala at ilang mga kawani ng nabanggit ng mga Panlalawigang Tanggapan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video