TSLogo

 

 

facebook page

 
Isinagawa nang ika-29 ng Abril 2025 ang ika-apat na DILG KONEK, buwanang kumperensya ng DILG Bulacan para sa taon 2025 sa bayan ng Obando, Bulacan. Naipresenta sa pamamagitan ng AVP ang mga prioridad at "best practices” ng lokal na pamahalaan ng Obando. Kasabay pa nito, ang Abril ay inoobserba bilang "Stress Awareness Month " kung saan ay isang maikling presentasyon ang ibinahagi sa mga kawani ukol sa wastong pangangasiwa ng stress para sa maayos na pisikal at mental na kapakanan ng mga empleyado. Bilang punong punto ng nasabing pagpupulong, iginawad ng DILG Bulacan ang pagkilala para sa mga Top 10 na Best Performing C/MLGOOs para sa unang sangkapat sa taon na ito. Sa pagtatapos ng programa, ibinahagi ni PD Myrvi Apostol-Fabia ang kanyang mensahe at paalala para sa darating na nasyonal at lokal na eleksyon. Maiabot sa COMELEC ang buong suporta upang matiyak ang isang mapayapa, patas at maayos na eleksyon ngayong taon, at tiyakin ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo upang matugunan ng mga lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video