TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Local Government Month ngayong Oktubre, ginanap ngayong araw, ika-17 ng Oktubre, taong kasalukuyan ang ika-23 Gawad Galing Barangay sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Sa aktibidad na ito ay kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gobernaador Alexis Castro ang mga natatanging opisyal ng barangay na nagpamalas ng galing, husay at dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong publiko sa kanilang mga nasasakupan.

 

Ika-16 ng Oktubre 2024, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pagbibigay ng teknikal na gabay sa mga sumusunod na barangay ng Bustos, na tumanggap ng pondo mula sa programang FY 2024 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00 bawat barangay:

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang pinal na pagsusuri sa bayan ng Pulilan para sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) at FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF):

Bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng DILG Bulacan sa Buwan ng Lokal na Pamahalaan, ginanap ngayong araw, ika-11 ng Oktubre, ang aktibidad na sumentro sa pagpapaunlad ng personalidad ng mga kawani ng tanggapan, ang “PAGYABONG: A Personality Development Seminar For DILG Bulacan,” sa Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

 

Bilang bahagi ng kick-off celebration ng Local Government Code Anniversary, at sa pakikiisa ng DILG Bulacan sa pangunguna ni Provincial Director Myrvia Apostol-Fabia, CESO V, nagsagawa ang mga kawani ng tanggapan ng isang makabuluhang Tree Planting Activity ngayong ika-10 ng Oktubre 2024 sa Barangay Maasim, San Ildefonso, Bulacan. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Local Government Month ngayong Oktubre.

 

Pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan at Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso ang pagsasagawa sa KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program kung saan inilunsad ito sa Brgy. Maasim sa pamumuno ni PB Maria Bella C. Rivera.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video