TSLogo

 

 

facebook page

 

Katuwang ang mga miyembro ng Provincial Awards Committee mula sa ilang ahensya ng pamahalaan at CSO, matagumpay na isinagawa ang Initial Table Assessment para sa mga nominadong barangay para sa CY 2025 LTIA, ngayong araw, ika-12 ng Marso 2025, sa Panlalawigang Tangapan ng DILG Bulacan.

Sa pangunguna ni LGOO II Van Isaac Luna, tinalakay ng Provincial Awards Committee (PAC) ang mga panukatan at Means of Verification (MOVs) na magiging batayan at pamantayan sa pagtatasang gagawin sa mga nominadong barangay.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni LGOO VI Gerald Cabarles Jr. ang kahalagahan ng table assessment di lamang sa pagberipika ng mga nominadong barangay kundi maging sa pagtukoy ng mga interventions at capacity development na maaring ibigay upang mas mapahusay pa ang pagganap sa tungkulin ng tagapamayapa sa bawat barangay.

Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay ang mga kasapi ng PAC mula sa PNP Bulacan, Provincial Administrator’s Office, Provincial Prosecutor’s Office, RTC Bulacan, at ACCCPI.

Ang LTIA ay isinasagawa ng DILG upang kilalanin ang mga Lupong Tagapamayapa na nagpamalas ng husay sa pagpapatupad ng proseso ng Katarungang Pambarangay (KP) gayundin ang kanilang mga mga inisyatibo upang mas mapaigting pa ang kaayusan sa mga barangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video