TSLogo

 

 

facebook page

 

PAYAPA, TAPAT AT LIGTAS NA HALALAN, PUNTO NG 1ST QUARTER JOINT MEETING NG PPOC, PADAC, AT PTF-ELCAC

Lungsod ng Malolos | Idinaos ngayong araw, ika-11 ng Marso, ang pinagsamang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) para sa unang sangkapat ng taon.

Bilang punong punto ng pagpupulong ay nagbahagi si Provincial Election Supervisor, Atty. Mona Ann Campos ng COMELEC kaugnay ng estado ng paghahanda ng lalawigan para sa nalalapit ng National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025. Kabilang sa mga datos na ibinahagi ay ang:

(1) 2,173,026 bilang ng mga registered voters;

(2) 13,502 established precincts at 2,551 clustered precincts para sa regular POP;

(3) 761 established precincts at 24 clustered precincts para sa PDL POP;

(4) 10,141 na poll workers sa araw ng eleksyon;

(5) 70 aspirant candidates sa provincial level; at

(6) 640 aspirant candidates sa city/municipal level.

Kabilang sa mga naging paksa sa naturang pagpupulong ay ang mga updates sa implementasyon ng mga programa na may kaugnayan sa peace and order at patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga ng lalawigan.

Sa huli, binigyang diin ni Gob. Fernando ang pagpapaigting ng police visibility at check points sa buong lalawigan upang masugpo ang kriminalidad at mapanatag ang kalooban ng mga Bulakenyo. Siya rin ay nagbigay ng tagubilin sa mga kasapi ng konseho na patuloy na maging alerto at paigtingin ang kapayapaan at kaligtasan ng lalawigan lalo na sa nalalapit na halalan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video