TINGNAN | Sa patuloy na pagsulong sa adbokasiya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) kasama ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan laban sa banta ng magkakaliwang grupo, isinagawa ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Convergence and Community Consultation, nang ika-7 ng Setyembre, 2023, sa Barangay Siling Bata, Bayan ng Pandi.

Bukod sa isinagawang pagpupulong upang matalakay ang mga proyekto at programa ng pambansang pamahalaan, sa araw ring iyon ay tinatayang mayroong nasa 40 katao — na dating sumusuporta sa mga grupo ng komunista ang lumagda at nagpahayag ng kanilang suporta at katapatan bilang kanilang pakiisa sa patuloy na paglaban ng pamahalaan upang matuldukan ang lokal na insurhensya sa ating bansa.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video