Septyember 14, 2023 - Bilang bahagi ng pagsubaybay ng DILG Bulacan sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng FY 2023 LGSF-FALGU ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Panlalawigang Tanggapan sa Bayan ng Bocaue, Bulacan.

Bahagi ng nasabing gawain ay ang pagbibigay gabay sa mga Barangay ukol sa proseso ng implementasyon ng mga proyektong una nang naaprubahan ng Kagawaran, kasabay rin nito ay tinalakay ang mga tadhanain sa ilalim ng LBC 150-2023, upang masiguro na ang implementasyon ng mga nabanggit na proyekto ay naaayon sa itinatadhana ng batas. Ang mga proyekto sa ilalim ng FY 2023 LGSF-FALGU ay layong magbigay tulong sa mga maralitang indibidwal partikular na sa nasabing bayan.


Samantala, bilang bahagi pa rin ng patuloy na pagsubaybay sa mga proyektong nauna nang nakumpleto ay muling binisita ng Panlalawigang tanggapan ang Rehabilitation at Upgrading ng Pamilihang Bayan ng Bocaue na pinondohan naman sa ilalim ng FY 2021 FALGU ng Kagawaran.


Hinggil dito, makaasa ang mga bulakenyo na ang DILG Bulacan ay patuloy na tututukan ang mga nasabing programa upang masiguro na mapapakinabangan ng mga benepisyaryong pinatutungkulan nito.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video