TSLogo

 

 

facebook page

 

LUNGSOD NG MALOLOS - Ngayong araw Ika-2 ng Pebrero, 2023 ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang Unang Sangkapat na Pagpupulong ng mga kasapi ng Bulacan Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council (PPOC-PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

Sa nasabing pulong, inilatag at i-prinisinta ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga datos ukol sa mga naging bunga ng implementasyon ng mga programa ng kani-kanilang tanggapan na may kinalaman sa kaaayusan at kapayapaan kasama na ang mga programa na layong wakasan ang ilegal na droga. Dagdag pa rito, ipinahayag ng Hukbong Katihan na naka-base sa Bulacan ang mga programa at estratehiya ng kanilang tanggapan na naglalayong wakasan ang insurhensiya sa lalawigan.

Ikinalugod naman ni Igg. Daniel R. Fernando, Punong Lalawigan, ang mga prinisintang datos, higit lalo ang kapansin-pansin na pagtaas ng bilang ng mga barangay sa lalawigan na idineklarang drug-cleared. Kaugnay nito, pinasalamatan niya ang aktibong partisipasyon at suporta ng mga dumalong tanggapan hinggil sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na may kinalaman sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Gayundin ay hiniling niya sa mga otoridad na nawa ay mapanatili ang ganitong direksyon at tuluyang mapagpatagumpayan ang laban sa ilegal na droga.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video