TINGNAN: Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan ang inspeksyon sa proyektong “Construction of Farm-to-Market Road in Barangay San Agustin” sa bayan ng Hagonoy. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units na may kabuuang halaga na Php 7,000,000.00.
Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang daloy ng transportasyon ng mga produktong agrikultural at yamang tubig, na pangunahing ikinabubuhay ng mga residente. Sa pamamagitan nito, mapapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente habang pinapalago ang ekonomiya ng komunidad.