Matagumpay na isinagawa ang DILG Konek: Provincial Team Conference, ngayong ika-21 ng Oktubre sa Bayan ng Bustos. Bukod sa pagtalakay ng iba’t-ibang seksyon ng tanggapan ukol sa mga nagtapos at mga paparating pang mga ulat para sa natitirang buwan ng taon, isa sa mga nagsilbing punong punto ng aktibidad na ito ay ang pagbigay ng pagkilala sa kagalingan at kahusayan ng mga natatanging DILG Field Officers na nagpakita ng dedikasyon at walang sawang paglilingkod sa loob ng ikatlong sangkapat ng kasalukuyang taon. Kinilala ang mga C/MLGOOs na nagpakita ng angking husay kaugnay sa Implementasyon at pagsumite ng mga ulat na sina:
TOP 1: LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo - (Bayan ng San Miguel)
TOP 2: LGOO VI Ana Karla S. Anista – (Bayan ng Bulakan)
TOP 3: LGOO VI Maria Christine M. De Leon– (Bayan ng Norzagaray)
TOP 4: LGOO VI Archie B. Coronel – (Bayan ng Plaridel)
TOP 5: LGOO VI Mryna P. Reyes – (Lungsod ng Meycauayan)
TOP 6: LGOO VI Diana Jean M. Garcia – (Bayan ng Bustos)
TOP 7: LGOO VI Maria Christine M. De Leon – (Bayan ng Doña Remedios Trinidad)
TOP 8: LGOO VI Elaine D. Pagdanganan – (Bayan ng Marilao)
TOP 9: LGOO VI Ailyn D. Bondoc– (Lungsod ng Baliwag)
TOP 10: LGOO VI Benedict M. Pangan – (Lungsod ng San Jose Del Monte)