BASAHIN | Kaugnay ng Republic Act No. 11032 o kilala bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018”, isinagawa simula ika-18 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2023, ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagtatasa para sa Ease of Doing Business (EODB) sa mga lungsod ng lalawigan.
Sa patuloy na pagsisikap ng pambansang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, partikular na sa aspektong pangkalusugan, sa pangunguna ni First Lady, Abgdo. Maria Louise “Liza” Araneta Marcos ay matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-19 ng Setyembre, 2023, ang Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat, sa bayan ng San Rafael. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan nina Pangalawang Punong Lalawigan Alex C. Castro, Pangalawang Punong Lalawigan ng Pampanga Lilia G. Pineda, Punong Lungsod ng San Rafael Mark Cholo Violago, Kalihim ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) Suharto Mangudadatu, Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) Prospero E. De Vera III, Congresswoman Lorna Silverio, kasama ang iba pang mga opisyal at lingkod bayan ng lalawigan.
TINGNAN | Sa patuloy na pagsulong sa adbokasiya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) kasama ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan laban sa banta ng magkakaliwang grupo, isinagawa ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Convergence and Community Consultation, nang ika-7 ng Setyembre, 2023, sa Barangay Siling Bata, Bayan ng Pandi.
SEPTEMBER 18, 2023 | As an assurance for the safety and security of the province in the coming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), the Provincial Joint Security Control Center Command Conference (PJSCC) was held today attended by different agencies, led by the Commission on Election (COMELEC), including the Panlalawigang Office of the Interior and Local Government, together with personnel from the Philippine National Police (PN), Armed Forces of the Philippines (AFP), and other agencies have primary duties in maintaining a safe and peaceful election this October.
Alinsunod sa Memorandum Sirkular 2023-133 na nilagdaan ni Kalihim ng Kagawaran, Abgdo. Benhur Abalos, Jr. ukol sa Barangay at Kalinisan Day or BarKaDa, nagkaroon ngayong araw, ika-16 ng Setyembre, 2023, ng isang malawakang clean up drive ang mga barangay sa buong bansa.