Bilang pagsunod sa Republic Act No. 11055, o kilala bilang Philippine Identification System (PhilSys) Act na naglalayong magtatag ng isang pambansang sistema ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mamamayan at residenteng dayuhan sa ating bansa, ang mga ahensya at lokal na pamahalaan ay inaatasan na magbigay supporta sa implementasyon ng PhilSys at bigyang prayoridad ang Philippine Identification (PhilID) at ePhilID na mapabilang sa mga listahan ng hinihinging valid IDs o requirements para sa iba’t-ibang transaksyon ng pamahalaan.