LUNGSOD NG MALOLOS | Opisyal na inilunsad ang unang serye ng “DILG Konek” ng DILG Bulacan ngayong araw, Enero 26, 2024. Ang programang ito ay ang magsisilbing panlalawigang pagpupulong na gaganapin kada buwan ng taon na naglalayong talakayin at mabigyang pansin ang mga programa, proyekto at mga kaganapan sa Departamento kasabay ng pagpapaigting ng ugnayan sa mga lungsod at bayan ng lalawigan. Ang unang serye ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Panlalawigang Tanggapan, mga Pook Tagapagpakilos sa mga Lungsod at Bayan ng Lalawigan (C/MLGOOs) at mga kawani mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ang nasabing gawain ay naging daan upang mabigyang linaw ang mga kaganapan at direksyong tatahakin ng buong tanggapan patungkol sa mga paparating na gawain na may kaugnayan sa Kagawaran sa unang sangkapat ng taon.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang mga kawani ng kagawaran sa kanilang walang sawang pagtugon sa pangangailangan upang mapaganda at mapabuti ang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan at nasasakupan nito. Kasabay nito, hinamon ni PD Fabia ang mga kawani na maging handa muli sa mga paparating na mga pagtatasa sa unang sangkapat ng taon.
Sa aktibidad ay binigyang pagkilala ang mga natatanging inobasyon ng mga City/Municipal Local Government Operations Officers, kasabay ng pakilala sa mga natatanging pagganap at mahusay na pangangasiwa sa mga programa at proyekto ng Kagawaran, na sina:
1. LGOO VI Myrna Reyes (Baliwag City)
2. LGOO VI Lolita Silva (Pandi)
3. LGOO VI Kristine Pesimo (San Miguel)
4. LGOO VI Benedict Pangan (CSJDM)
5. LGOO VI Mary Joy Nabor (Plaridel)
6. LGOO VI Elaine Pagdanganan (Marilao)
7. LGOO VI Ernest Kyle Agay (Norzagaray)
8. LGOO VI Maria Christine De Leon (DRT)
9. LGOO VI Ailyn Bondoc (Guiguinto)
10. LGOO VI Maria Isabelita Cruz (Pulilan) at LGOO VI Jayfie Nasarro (Santa Maria)
Ang naturang pagkilala ay programa sa ilalim ng ALAB, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na Sub-LGRRC ng lalawigan.