TSLogo

 

 

facebook page

 


Sa pangunguna ng DILG Bulacan ay matagumpay na naibahagi ang ikasampung episode ng Gabay Serye kung saan ay itinampok ang paksamg Barangay Road Clearing Operations (BarCO), ngayong araw, ika-19 ng Hunyo, 2024.

Ang talakayan ay pinangunahan ni LGOO V Juan Karlo Punzalan at ADA IV Morris Jorge C. Roque, kung saan ay kanilang ibinahagi ang mga impormasyon, mga ilang paalala at tagubilin bilang paghahanda sa nalalapit na pagtatasa para sa BaRCO na isasagawa ngayong ikalawang sangkapat. Ang hakbangin na ito ay bahagi ng pagnanais ng Panlalawigang Tanggapan na maging malinaw ang lahat ng detalye at matulungan ang mga pamahalaang lokal para sa Implementasyon at pagtatasa ng naturang programa.

 

Alinsunod sa DILG Memorandum Sirkular blg. 2024-053 o mas kilala sa Barangay Road Clearing Operations (BarCO) kung saan ang lahat ng lokal na pamahalaan ay inaatasan na maglinis at matanggal ang mga sagabal at ilegal na konstruksyon sa kalsada upang ito ay magamit ng mga motorista at pedestrian. Ang road clearing din ang magiging paraan upang mapabilis ang daloy ng trapiko at para mabawi ng gobyerno ang mga kalsada, eskinita, at daanan na ginagamit ng iba para sa pansariling interes.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video