Ngayong araw, nagtipon-tipon ang lahat ng SK Federation Presidents mula sa 24 na lungsod at bayan ng buong lalawigan upang ihalal ang bagong mga pinuno na SK Provincial Federation, na siyang magsisilbing boses ng kabataan sa panlalawigang tanggapan ng Bulacan.
Ang mga bagong halal na SK Provincial Federation Officers ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
President: Casey Estrella Howard, Lungsod ng Baliwag
Vice President: Marco Trajano, Bayan ng Santa Maria
Secretary: Jin Marie Mizuse, Lungsod ng Meycauayan
Treasurer: Louie Marvin Tomacruz, Bayan ng Paombong
Auditor: Shaine Trisha Baltazar, Bayan ng Bulakan
PRO: Marcuz Gutierrez, Bayan ng Plaridel
Sergeant-at-Arms: Charles Mananghaya, Bayan ng San Ildefonso at John Lei Delos Reyes, Bayan ng Obando
Ang eleksyon ay pinangasiwaan ng mga miyembro ng Provincial Board of Election Supervisors (PBES), na kinabibilangan nina DILG Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Sangguniang Panlalawigan Secretary Ma. Perpetua Santos at Provincial Election Supervisor Atty. Mona Aldana-Campos, at mga Panel of Observers na kinabibilangan nina PLTCOL Laurente Acquiot (PNP Bulacan), Rowell Castro (Bulacan State University) at Rev. Marila Elena Caniban (Auxiliary Cadence Church of the Philippines, Inc.).
Mainit na pagbati sa lahat ng mga bagong halal na SK Provincial Federation Officers! Nawa’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon sa bawat kabataang Bulakenyo!