- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 2020
Ngayong araw, ika-13 ng Pebrero, 2024, ay ginanap ang birtwal na panlalawigang oryentasyon upang paghandaan ang paparating na F.Y. 2023 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessment.
Sa pangunguna ng DILG Bulacan Locally Funded Project (LFP), tinalakay ang iba’t ibang mga pamantayan sa pagsusuri ng mga dokumento sa nasabing pagtatasa. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng LPMC na nagsusuri nang mga isinasagawang iba't ibang proyekto sa mga lokal na pamahalaan.
Ang LPMC Functionality Assessment ngayong taon ay naglalayong tiyakin ang pagtalima ng bawat LPMCs ng LGUs sa, 1) Pag-organisa ng Komite, 2) Pagdalo sa mga Kasanayan, 3) Pagpaplano, at 4) Pagsasakatuparan at Pag-uulat ng mga aktibidad at pagsubaybay para sa taong 2023.
Ang LPMC ay ang pangunahing sangay ng pagsubaybay at pagsusuri ng Local Development Councils (LDCs) na tumitiyak kung ang mga proyekto ay isinasagawa nang ayon sa plano at alinsunod sa layunin ng mga lokal na pamahalaan.