- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1567
Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng malinis na kapaligiran sa bawat lokal na pamahalaan, nagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte at DILG sa iginanap na Kalinisan Day National Showcase Barangay sa Brgy. Muzon South, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ngayong araw, ika-20 ng Abril, 2024.
Maliban sa sabayang paglilinis, itinampok din ang iba’t ibang programa ng CSJDM na nagpapakita nang buong suporta sa pagpapalakas ng Kalinisan Program. Ibinida nina Mayor Arturo Robes at Cong. Rida Robes ang Proper Gardening gamit ang Recycled Materials, Palit Basura, at Aling Tindera Program na mga karagdagang tugon ng lungsod sa pagpapanatili ng malinis at maayos na pamayanan.
Inilunsad din ng CSJDM ang BASURA NO WAY Program na naglalayong matiyak ang kalinisan ng bawat bahay, opisina, at mga establisyemento para sa isang kaaya-ayang kapaligiran.
Pinangunahan naman ni Usec. Felicito Valmocina, DILG Undersecretary for Barangay Affairs, ang pagdalo sa mga programa ng DILG gaya ng Kalinisan, HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay), BUKAL (Buhayin ang Kalikasan), Road Clearing, at ibang programang pangkapaligiran, kasama ang DILG Rehiyon III, sa pangunguna ni RD Atty. Anthony Nuyda, PD Myrvi Fabia CESO V, mga kasama sa BJMP, BFP, PNP, CSOS, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga mamamayan ng barangay Muzon South.