TSLogo

 

 

facebook page

 
 
Ngayong araw, pinangunahan ng mga mahuhusay na inhinyero mula sa Panrehiyon at Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang isang mahalagang inspeksyon sa proyektong “Municipal Park and Recreational Facilities / Plaza Bigaa” sa ilalim ng programang F.Y. 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng limang milyon (5,000,000).
Ang nasabing inspeksyon ay naglalayong tiyakin na ang proyekto ay kalidad na naipatupad at nakasunod sa kinakailangang pamantayan na magdudulot ng malawakang benepisyo at kasiyahan sa komunidad.


Sa pangunguna ng DILG Bulacan ay matagumpay na naibahagi ang ikasiyam na episode ng Gabay Serye: Usapang SGLG at SGLGB, ngayong araw, ika-22 ng Mayo, 2024.

Ang talakayan ay pinangunahan ni Program Manager Gerald Cabarles, Jr., kung saan ay kanyang ibinahagi ang mga impormasyon, ilang mga paalala at tagubilin bilang paghahanda sa SGLG at SGLGB na isinasagawa ngayong taon. Ang hakbangin na ito ay bahagi ng pagnanais ng Panlalawigang Tanggapan na mas marami pa ang bilang ng mga Pamahalaang Lokal sa Bulacan na papasa at magkakamit ng Seal of Good Local Governance.

 
Isinagawa ang On-Site Functionality Assessment ng Provincial Committee On Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC) sa Kapitolyo ng Bulacan.
Ang Regional Inter-Agency Monitoring Task Force ay binubuo ng mga kinatawan mula sa DILG, DSWD, at PNP. Ang PCAT-VAWC Bulacan ay pinangunahan ng Nanunumparang Punong Lalawigan Alex Castro, Provincial Administrator, Antonia Constantino at Gng. Rowena Tiongson, Pinuno ng Tanggapan ng PSWDO , na kumatawan sa Kapitolyo ng Bulacan para sa nasabing aktibidad.
Layunin ng naturang functionality assessment na makita ang mga dokumento na may kinalaman sa plano at accomplishments patungkol sa mga programa at proyekto ng lalawigan upang labanan ang trafficking at karahasan sa mga kababaihan at kabataan.
PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video