- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 8055
Ngayong araw ika-4 ng Abril, 2023 ay nagsagawa ang Panglalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang oryentasyon para sa mga kasapi ng Provincial Awards Committee na pinangungunahan ng nasabing tanggapan at kinabibilangan ng mga sumusunod: Philippine National Police (PNP), Liga ng mga Barangay (LNB), Pamahalaang Panlalawigan, Regional Trial Court at Civil Society Organization.
Ang gawaing ito ay upang talakayin ang mas pinalawig na mga pamantayan ng pagtatasa ukol sa Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at upang bigyan ng wastong kasanayan ang mga kinatawan ng mga nabanggit na tanggapan sa isasagawang pagtatasa.
Sa mensahe ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kaniyang ipinaliwanag na ang LTIA ay isang pagtatasa na hindi lamang naglalayon na itukoy sa mas mataas na antas ng paligsahan at bigyang parangal ang mga kikilalaning Lupong Tagapamayapa; bagkus ito rin ay upang mapalakas ang pagpapatupad ng Katarungan Pambarangay bilang isang pangunahing mekanismo upang mas mapabilis ang pag-resolba ng mga problema at sigalot ng magkaka-barangay.
TIGNAN: Ang mga larawang ito ay kuha sa pagbisita ni FSupt. Jeannette D. Jusayan, bagong talagang Fire Marshal ng Bulacan sa Tanggpan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. Ang nasabing pagbisita ay bilang bahagi ng patuloy na ugnayan ng dalawang tanggapan tungo sa maayos at epektibong pagsusulong ng mga programa, proyeto at gawain na pinangungunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal