- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 3773
Sa patuloy na pagsisikap ng pambansang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, partikular na sa aspektong pangkalusugan, sa pangunguna ni First Lady, Abgdo. Maria Louise “Liza” Araneta Marcos ay matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-19 ng Setyembre, 2023, ang Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat, sa bayan ng San Rafael. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan nina Pangalawang Punong Lalawigan Alex C. Castro, Pangalawang Punong Lalawigan ng Pampanga Lilia G. Pineda, Punong Lungsod ng San Rafael Mark Cholo Violago, Kalihim ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) Suharto Mangudadatu, Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) Prospero E. De Vera III, Congresswoman Lorna Silverio, kasama ang iba pang mga opisyal at lingkod bayan ng lalawigan.
Read more: KALUSUGAN: PRAYORIDAD NG PAMAHALAAN PARA SA MGA MAMAMAYAN