TSLogo

 

 

facebook page

 


Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa Bulacan ay nakiisa sa pag gunita ng Pandaigdigang Memoryal ng Pagsindi ng Kandila para sa mga biktima ng HIV-AIDS na isinagawa noong ika-6 ng Mayo, 2024 sa Hiyas Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.

Sa pamamagitan ng makabuluhang gawaing ito, ipinapahayag ng DILG Bulacan ang kanilang suporta at pagpapahalaga sa mga naapektuhan ng HIV habang patuloy na nakikiisa sa mga programa para sa isang lipunan na malaya mula sa diskriminasyon at stigma.


Buong galak na ipinagmamalaki at binabati ng Tanggapan ng DILG Bulacan ang pagkilalang natamo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang Gender and Development (GAD) Local Learning Hub 2024-2027 na iginawad ng Philippine Commission on Women (PCW) noong ika-17 ng Abril, 2024 sa Metro Manila.

Kabilang din sa mga pagkilalang iginawad ng PCW sa Lalawigan ang pagiging GAD LLH 2024-2027 ng mga sumusunod:


Mainit na pagbati ang abot ng DILG Bulacan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagkamit ng karangalan na GAWAD Edukampyon for Early Childhood Care and Development (Provincial Category) na ipinagkaloob ng Center for Local Governance and Professional Development, Inc.

Malugod ding binabati ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang mga sumusunod na pamahalaang lokal sa kanilang nakamit na karangalan sa nasabing programa:

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video