Sa pag-asa at tiwala na makakamtan ang tagumpay, sumailalim sa Pambansang Pagtatasa ng SGLG ang mga bayan ng Pandi, San Ildefonso, Doña Remedios Trinindad, Marilao, Angat, Bulakan, Paombong, Bustos at ang lungsod ng Malolos at Meycauayan nitong ika - 10 hanggang ika- 12 ng Setyembre, 2024.
Ang mga National Validators mula sa DILG Mimaropa ay nagsagawa ng mga panayam sa mga punong tanggapan, nagsuri ng mga dokumento, at bumisita sa ilang piling pasilidad upang masiguro ang pagsunod sa mga pamantayan para sa sampung (10) governance areas ng programa. Layunin ng kanilang pagbisita na tiyakin ang wastong implementasyon at kalidad ng serbisyo sa bawat aspeto ng programa.
Sa pamumuno ng mga Punong Bayan at Punong Lungsod ng bawat lokal na pamahalaan, ipinakita ang kanilang kahandaan sa pagganap ng kanilang mandato ayon sa hinihingi ng batas na siyang sukatan upang makapasa.
Ngayong taon, ang lalawigan ng Bulacan ay may labingwalong (18) LGUs na Potential Passer ng SGLG 2024.