Pinangunahan ng DILG Bulacan ang Panlalawigang Pagtatasa para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB). Ang aktibidad ay dinaluhan ng Provincial Performance Assessment Team (PPAT) na binubuo ng mga kinatawan mula sa Liga ng mga Barangay (LnB), Sangguniang Kabataan (SK) Federation, Provincial Planning and Development Office (PPDO), at Civil Society Organization (CSO).
Layunin ng aktibidad na talakayin ang resulta ng pagtatasa ng SGLGB sa mga barangay.
Ang SGLGB ay pagtatasang isinasagawa sa lahat ng mga barangay at ginaganap taun-taon na binubuo ng anim (6) na core at essential areas:
(1) Financial Administration and Sustainability;
(2) Disaster Preparedness;
(3) Safety, Peace and Order;
(4) Social Protection and Sensitivity;
(5) Business-Friendliness and Competitiveness; at
(6) Environmental Management.